Posts Tagged ‘Resolution’

h1

New Year’s Resolution

Enero 3, 2008

Tuwing bagong taon, nakagawian ko ng gumawa ng New Year’s Resolution. Kung anong dapat gawin, kung anong dapat baguhin at kung anong dapat pag-bigyan ng pansin. Kadalasan wala lang, magka New Year’s Resolution lang, wala ring nagagawa, wala ring natutupad. Ang saya!

Ngayong taong 2008, may New Year’s Resolution na naman ako. Yey!

  •  Magbasa. Magbasa. Magbasa. -Ewan ko ba kung anong dahilan kung bakit nawala ang interes ko sa pagbabasa ng libro. May dalawang libro(The Kite Runner at For One More Day) akong binili ilang buwan na ang nakakaraan pero hanggang ngayon di ko pa nagagawang buksan.
  •  Mag-Gym Nagawa ko naman ‘to kahit papaano last year. Nagawang kong mag-gym sa loob ng dalawang buwan pero isang araw nagkasakit ako tinamad na ako na ako mag-gym ule.
  • Magsimba Kahit Once a Month Lang – 30 months ago pa ata ang huling simba ko. Ang day-off ko kasi isang araw lang, kulang pa ang isang araw sa paglalaba, paglilinis ng kwarto at pamamalantsa. Walang pahinga! Haaay…
  • Bawasan ang Pang-lalait ng Kapwa- Panigurado mahihirapan ako dito. Siguro hindi ko na maaalis yun kaya bawasan ko na lang. Lahat ng bagay nakikita ko. Ewan ko ba, alam ko naman na di ako perpekto pero alam ko naman kung saan ko ilalagay ang sarili ko. May nga bagay lang talaga na di kaaya-aya at kailangang bigyan ng pansin. Saka sarili ko nga nilalait ko eh, ibang tao pa kaya!
  • Patience –  Masyadong maigsi ang pisi ng pasensya ko lalo na pag tatanga-tanga ang kausap ko. Mabilis uminit ang ulo ko lalo na sa mga taong di mo alam kung nang-aasar ba o sadyang mahina lang ang pang-unawa. Sa trabaho ko pa naman kailangan ko ng maraming pasensya, kaya madalas napapa-away ako! Saka ayaw ko ng pinaghihitay ako, kahit limang minuto lang mo lang akong paghintayin, humanda ka na!
  •  Magtipid – Ilang taon na akong may trabaho magkano pa lang ang naiipon ko. Gastador kasi ako. Basta pag may nagustuhan ko, di ko pagdadamutan ang sarili ko. Pero ngayong taon, kailangan ko talagang magtipid, plano ko kasi magbakasyon na. Nakakahiya naman umuwe ng Pinas na wala kang pera. Lalo na’t magta-tatlong taon na ako dito! Hehe!
  • Wag Magpuyat – Malabo. Masyado na atang sanay ang katawan ko na matulog ng hating-gabi. Kung ang tulog naglilista ng utang kung ilang oras ang kulang ko sa pagtulog, baon na baon na ako sa pagkakautang. Wala akong maalala na nakatulog ako ng higit sa pitong oras mula pa nung tumuntong ako ng kolehiyo at natutong manligaw. Hehe!
  • Makipag-bonding kay Kuya –  Ok naman kuya ko eh. Ok naman kami. Kailangan lang namin ng mga bonding moments. Magkapatid kami pero parang estranghero kami sa isa’t isa. Di namin kilala ang isa’t isa. Siguro sobrang haba lang ng panahon na naging malayo kami sa isa’t isa. Ang isa pang dahilan kaya minsan di ako sumasama sa kaniya ay dahil sa girlfriend niya. Mabait at maganda din naman yung girlfriend ng kuya ko. Maarte nga lang, yun pa naman ang pinaka-ayaw ko. Baka masupla ko lang yun at sumama pa loob sa akin ng kuya ko. Saka di ko trip manood ng Marimar gaya ng kuya ko. Haha!
  • Maging Sensitibo – Insensitibo daw ako. Walang pakialam. Manhid! Hindi naman kasi lahat ng bagay pag-bigyan mo ng pansin. Di naman kasi lahat ng tao kailangan kong i-pleaseDuh! Hindi namann lahat ng maririnig ko na sasabihin ng tao tungkol sa akin bigyan ko ng atensyon.  Ganito lang yan kung di mo kilala, wag ka na lang magsalita kung ayaw mong bigyan kita ng sarcastic na ngiti! Ahihihi!  Sige subukan ko maging sensitibo baka sakaling magkaroon na ng World Peace.
  • Tuparin ang New Year’s Resolution Ko – para may bago. Puro lang kasi resolusyon eh wala namang solusyon. Saka hindi na rin ako bata, sa tingin ko kailangan ko di ng pagbabago sa sarili ko, kahit paunti-unti lang.

Maligayang Bagong Taon!

 

Design a site like this with WordPress.com
Magsimula