Posts Tagged ‘Blog’

h1

Panimula

Enero 2, 2008

Bagong taon. Bagong buhay. Bagong pag-asa. Bagong pagsubok. Bagong pakikipagsapalaran.  Bagong pag-aaksayahan ng oras. Bagong libangan. Bagong blog.

Magba-blog ako kasi gusto ko. Hindi para makiuso, hindi para maging cool. Naisipan kong mag-blog kasi maraming mga bagay na hindi ko nasasabi, hindi ko naipapahayag. Napakaraming bagay ang sinasarili ko lang. Mahirap. Hindi naman kasi lahat ng oras, andyan ang mga kaibigan mo para pag-aksayahan ka ng oras at makinig sa mga kabaduyan mo. May mga sarili din silang mga buhay, may mga kanya-kanyang trabaho, at may kanya-kanyang pamilya. Saka mas maganda pa humingi ng opinyon ng iba, sa di mo personally kakilala, sa isang estranghero. Yung bang ibabase nila yung opinyon nila ayos sa karanasan nila at hindi sa kung anong pagkakakilala nila sa’yo. ‘Yun na ‘yun.

Maligayang pagba-blog…

Design a site like this with WordPress.com
Magsimula