Archive for the ‘TV/Movie’ Category

h1

Ugok Na Spoiler

Enero 12, 2008

Bakit kaya may mga taong walang pakialam at kunsiderasyon sa kapwa nila, mga Pilipino pa naman! Nakakapanginit ng ulo. Mga nagmamagaling na wala naman sa lugar. May dalawang ungas kasing nagpasikat sa isang forum at isiniwalat nila kung sino ang susunod na matatanggal at kung sino ang mananalo sa sinusubaybayan kong The Amazing Race. Ang mga tarantado may spoiler tags naman di ginamit, kung di pa naman mga bastos ang mga gunggong!  Ang mas nakakainis, matagal na yung thread at wala sinuman ang naglakas loob na naglagay ang anumang spoiler. Kung kelan matatapos na at ilang koponan na lang ang natitira, saka pa nagkaroon ng  dalawang abnormal na kulang ata sa kalinga ng mga magulang nila ang nagpasikat sa thread at isiniwalat ng walang pakundangan ang susunod na matatangal, ang bansang pupuntahan at higit sa lahat kung sino ang mananalo. Mga balahura!Mga hinayupak! Lamunin na sana kayo ng lupa at  iluwal sa piling ni satanas! Bwiset!

/rant

Design a site like this with WordPress.com
Magsimula