Imbak para sa Kategoriyang ‘Personal’
Enero 26, 2008
Di ako marunong:
- magluto
- mag-bike
- lumangoy
- mag-drive
- mag-talop
- mag-gitara
- magtipid
- maningil ng utang
- lastly, i dunno when to stop
Haaaay….
Ipinaskil sa Daily, Muni-muni, Personal | Minarkahan Personal | 11 Puna »
Enero 20, 2008
angel: paano tayo?
akil: mahihintay mo naman ako dba?
angel: oo. i promise, hintayin kita kahit anong mangyari. mahal na mahal kita akil.
Siguro nga masyado ng maraming nangyari sa loob ng halos tatlong taon. Pero ang pangakong mong yan, di ko pa rin nakakalimutan. Hanggang ngayon pinanghahawakan ko pa rin at umaasa na may magandang katapusang naghihintay para sa ating dalawa.
Sana di ka na lang nangako, ng sa ganun di ko na nagawang umasa. Sana di ka na lang nangako ng nasimulan ko ng muli ang buhay ko ng mag-isa. Sana di ka na lang nangako ng di na kita naisama sa mga plano’t pangarap ko sa buhay.
Sana hindi na lang kita iniwan…..
Sana di na kita mahal, ng di na ako nasasaktan pa.
Punyeta nagiging baduy na naman ako! Letse!
Ipinaskil sa Personal | Minarkahan Daily | 8 Puna »
Enero 16, 2008
Di ko namalayan, isang taon na naman pala ang lumipas. Kaarawan ko pala ngayon! Haha! Taragis! Parang tumatanda ako ng walang pinagkakatandaan! Ewan ko. Parang hanggang ngayon di pa rin ako natuto sa mga kabalastugan ko. Di ko alam. Minsan tinatanong ko sarili ko kung naggu-grow ba ako as a person. Parang hindi. Siguro ang pinakamaganda ko lang natutunan nitong nakaraang taon ay kung paano tumanggap ng pagkakamali, bukod dun wala na ata. May mga bagay pa rin na paulet-ulet ko pa rin ginagawa kahit na alam kong walang magandang idudulot na maganda. Siguro masyadong nakakabato ang buhay para sa akin pag walang problemang dapat lusutan. Ewan. Isa ang sigurado ako, gusto kong maging maayos ang buhay ko(sino bang hindi?), gusto kong maging masaya. Baduy man pakinggan, gusto kong maging masaya kasama ang babaeng pinakamamahal ko. Sana mangyari pa yun. Sana lang talaga. Sana!
*Birthday Gift
Bago ako umalis kanina para bumili ng pang-regalo sa sarili ko, binuksan ako ang aking friendster acccount. Gaya ng inaasahan may mga comments na Happy Birthday(pinag-iisipan ko pa kung dapat ko bang i-approve) at may mga messages na binabati din ako ng Happy Birthday, at syempre nag-reply ako ng pasasalamat dun sa mga nag-message sa akin. Nag-browse ako ng kaunti, sinilip mga bagong larawan mga tropa ko sa Pinas, bagong lovelife, bagong shout-out, hanggang napunta ako sa friendster ng babaeng minamahal ko. At yun nga, ang pinakamaganda kong regalo:

Syempre, napa-ngiti agad ako! Single na siya? Talaga? Parang ilang linggo lang nakaraan, In a Relationship ang status niya, tapos ngayon, Single na? “Happy Birthday Akil! Anak ka talaga ng Diyos, kahit walanghiya ka, tinugon niya ang panalangin mo!“ Haha! Kailangan kong tumawag sa ilang kaibigan para magtanong kung wala na ba talaga sila ng boyfriend niya. Sana wala na talaga sila. Oo, yan ang panalangin ko gabi-gabi! :)
‘Yun. Maligayang kaarawan na lang ulet sa akin! Basta! ‘Yun na ‘yun!
Ipinaskil sa Personal | Minarkahan Birthday, Friendster | 11 Puna »
Enero 11, 2008
Do you know that you feeling you get, when somebody is gone from your life and then suddenly realized that you miss ‘em?
Ipinaskil sa Personal | Minarkahan Life, Question | 2 Puna »
Enero 7, 2008
Alam kong napakaraming dahilan para talikuran mo ako, pero gagawa ako ng isang paraan para mahalin mo ulet ako, para maging bahagi ulet ako ng buhay mo.
To: Angel
+639164*****1
Sent:
22:05
07.Jan.08
Ipinaskil sa Personal | Minarkahan Angel, Love, Personal, Text Message | 10 Puna »
Enero 3, 2008
Tuwing bagong taon, nakagawian ko ng gumawa ng New Year’s Resolution. Kung anong dapat gawin, kung anong dapat baguhin at kung anong dapat pag-bigyan ng pansin. Kadalasan wala lang, magka New Year’s Resolution lang, wala ring nagagawa, wala ring natutupad. Ang saya!
Ngayong taong 2008, may New Year’s Resolution na naman ako. Yey!
- Magbasa. Magbasa. Magbasa. -Ewan ko ba kung anong dahilan kung bakit nawala ang interes ko sa pagbabasa ng libro. May dalawang libro(The Kite Runner at For One More Day) akong binili ilang buwan na ang nakakaraan pero hanggang ngayon di ko pa nagagawang buksan.
- Mag-Gym - Nagawa ko naman ‘to kahit papaano last year. Nagawang kong mag-gym sa loob ng dalawang buwan pero isang araw nagkasakit ako tinamad na ako na ako mag-gym ule.
- Magsimba Kahit Once a Month Lang - 30 months ago pa ata ang huling simba ko. Ang day-off ko kasi isang araw lang, kulang pa ang isang araw sa paglalaba, paglilinis ng kwarto at pamamalantsa. Walang pahinga! Haaay…
- Bawasan ang Pang-lalait ng Kapwa- Panigurado mahihirapan ako dito. Siguro hindi ko na maaalis yun kaya bawasan ko na lang. Lahat ng bagay nakikita ko. Ewan ko ba, alam ko naman na di ako perpekto pero alam ko naman kung saan ko ilalagay ang sarili ko. May nga bagay lang talaga na di kaaya-aya at kailangang bigyan ng pansin. Saka sarili ko nga nilalait ko eh, ibang tao pa kaya!
- Patience - Masyadong maigsi ang pisi ng pasensya ko lalo na pag tatanga-tanga ang kausap ko. Mabilis uminit ang ulo ko lalo na sa mga taong di mo alam kung nang-aasar ba o sadyang mahina lang ang pang-unawa. Sa trabaho ko pa naman kailangan ko ng maraming pasensya, kaya madalas napapa-away ako! Saka ayaw ko ng pinaghihitay ako, kahit limang minuto lang mo lang akong paghintayin, humanda ka na!
- Magtipid – Ilang taon na akong may trabaho magkano pa lang ang naiipon ko. Gastador kasi ako. Basta pag may nagustuhan ko, di ko pagdadamutan ang sarili ko. Pero ngayong taon, kailangan ko talagang magtipid, plano ko kasi magbakasyon na. Nakakahiya naman umuwe ng Pinas na wala kang pera. Lalo na’t magta-tatlong taon na ako dito! Hehe!
- Wag Magpuyat – Malabo. Masyado na atang sanay ang katawan ko na matulog ng hating-gabi. Kung ang tulog naglilista ng utang kung ilang oras ang kulang ko sa pagtulog, baon na baon na ako sa pagkakautang. Wala akong maalala na nakatulog ako ng higit sa pitong oras mula pa nung tumuntong ako ng kolehiyo at natutong manligaw. Hehe!
- Makipag-bonding kay Kuya - Ok naman kuya ko eh. Ok naman kami. Kailangan lang namin ng mga bonding moments. Magkapatid kami pero parang estranghero kami sa isa’t isa. Di namin kilala ang isa’t isa. Siguro sobrang haba lang ng panahon na naging malayo kami sa isa’t isa. Ang isa pang dahilan kaya minsan di ako sumasama sa kaniya ay dahil sa girlfriend niya. Mabait at maganda din naman yung girlfriend ng kuya ko. Maarte nga lang, yun pa naman ang pinaka-ayaw ko. Baka masupla ko lang yun at sumama pa loob sa akin ng kuya ko. Saka di ko trip manood ng Marimar gaya ng kuya ko. Haha!
- Maging Sensitibo - Insensitibo daw ako. Walang pakialam. Manhid! Hindi naman kasi lahat ng bagay pag-bigyan mo ng pansin. Di naman kasi lahat ng tao kailangan kong i-please. Duh! Hindi namann lahat ng maririnig ko na sasabihin ng tao tungkol sa akin bigyan ko ng atensyon. Ganito lang yan kung di mo kilala, wag ka na lang magsalita kung ayaw mong bigyan kita ng sarcastic na ngiti! Ahihihi! Sige subukan ko maging sensitibo baka sakaling magkaroon na ng World Peace.
- Tuparin ang New Year’s Resolution Ko - para may bago. Puro lang kasi resolusyon eh wala namang solusyon. Saka hindi na rin ako bata, sa tingin ko kailangan ko di ng pagbabago sa sarili ko, kahit paunti-unti lang.
Maligayang Bagong Taon!
Ipinaskil sa Personal | Minarkahan Change, New Year, Resolution | 5 Puna »
Enero 2, 2008
Bagong taon. Bagong buhay. Bagong pag-asa. Bagong pagsubok. Bagong pakikipagsapalaran. Bagong pag-aaksayahan ng oras. Bagong libangan. Bagong blog.
Magba-blog ako kasi gusto ko. Hindi para makiuso, hindi para maging cool. Naisipan kong mag-blog kasi maraming mga bagay na hindi ko nasasabi, hindi ko naipapahayag. Napakaraming bagay ang sinasarili ko lang. Mahirap. Hindi naman kasi lahat ng oras, andyan ang mga kaibigan mo para pag-aksayahan ka ng oras at makinig sa mga kabaduyan mo. May mga sarili din silang mga buhay, may mga kanya-kanyang trabaho, at may kanya-kanyang pamilya. Saka mas maganda pa humingi ng opinyon ng iba, sa di mo personally kakilala, sa isang estranghero. Yung bang ibabase nila yung opinyon nila ayos sa karanasan nila at hindi sa kung anong pagkakakilala nila sa’yo. ’Yun na ’yun.
Maligayang pagba-blog…
Ipinaskil sa Personal | Minarkahan Blog, Bored, Buhay OFW, Personal | 1 Puna »