Imbak para sa Kategoriyang ‘Daily’

h1

Di Ako Marunong…

Enero 26, 2008

Di ako marunong:

  • magluto
  • mag-bike
  • lumangoy
  • mag-drive
  • mag-talop
  • mag-gitara
  • magtipid
  • maningil ng utang
  • lastly, i dunno when to stop

Haaaay….

h1

Araw Ni Bush

Enero 14, 2008

Bush w/ Emirate Children

Walang pasok! Yey! May bisita kasi ang gobyerno ng Dubai, si Presidente Bush ng bansang Amerika. Ewan ko ba. Para lang sa ilang oras na state visit ni Bush dito, kailangan pang isarado lahat ng pangunahing lansangan dito. Baka natatakot ang gobyerno dito na pag may nagtangka sa buhay ni Presidente Bush ay giyerahin sila ng Amerika hanggang sa mabura sa mapa ang U.A.E. Saka ganun ata talaga pag Presidente ka ng pinaka-makapangyarihang bansa sa buong mundo, may espesyal na pagtanggap sa’yo.  May isang tanong lang sa isip ko, paano mo masisikmura pakiharapan o pakitunguhan ang isang taong  pumatay sa mga kalahi mo? Sa mga pinuno ng mga bansang nasa Gitnang Silangan, paano nila nagawang pakitunguhan at tanggapin ang isang taong  nagdulot ng sobrang kaguluhan at kumitil ng libu-libong buhay ng mga kapwa nila Muslim? Nagtataka lang ako.

Sa kabilang banda, walang pasok, makakapagpahinga rin ng isang buong araw!

h1

Ugok Na Spoiler

Enero 12, 2008

Bakit kaya may mga taong walang pakialam at kunsiderasyon sa kapwa nila, mga Pilipino pa naman! Nakakapanginit ng ulo. Mga nagmamagaling na wala naman sa lugar. May dalawang ungas kasing nagpasikat sa isang forum at isiniwalat nila kung sino ang susunod na matatanggal at kung sino ang mananalo sa sinusubaybayan kong The Amazing Race. Ang mga tarantado may spoiler tags naman di ginamit, kung di pa naman mga bastos ang mga gunggong!  Ang mas nakakainis, matagal na yung thread at wala sinuman ang naglakas loob na naglagay ang anumang spoiler. Kung kelan matatapos na at ilang koponan na lang ang natitira, saka pa nagkaroon ng  dalawang abnormal na kulang ata sa kalinga ng mga magulang nila ang nagpasikat sa thread at isiniwalat ng walang pakundangan ang susunod na matatangal, ang bansang pupuntahan at higit sa lahat kung sino ang mananalo. Mga balahura!Mga hinayupak! Lamunin na sana kayo ng lupa at  iluwal sa piling ni satanas! Bwiset!

/rant