h1

Pangako

Enero 20, 2008

angel: paano tayo?

akil: mahihintay mo naman ako dba?

angel: oo. i promise, hintayin kita kahit anong mangyari. mahal na mahal kita akil.

Siguro nga masyado ng maraming nangyari sa loob ng halos tatlong taon. Pero ang pangakong mong yan, di ko  pa rin nakakalimutan. Hanggang ngayon pinanghahawakan ko pa rin at umaasa na may magandang katapusang naghihintay para sa ating dalawa.

Sana di ka na lang nangako, ng sa ganun di ko na nagawang umasa.  Sana di ka na lang nangako ng nasimulan ko ng muli ang buhay ko ng mag-isa. Sana di ka na lang nangako ng di na kita naisama sa mga plano’t pangarap ko sa buhay.

Sana hindi na lang kita iniwan…..

Sana di na kita mahal, ng di na ako nasasaktan pa.

Punyeta nagiging baduy na naman ako! Letse!  

8 mga puna

  1. may nangako din sakin ng ganyan.. hihintayin daw niya ko.. after ng ilang months nalaman ko na lang na may nagugustuhan na siyang iba.. tsk! promises are really made to be broken.. haaays.. :(
    ok lang mag pakabaduy paminsan minsan hehe!

    akil: labo lang kasi. parang kelan lang sigurado pa akong mahal niya ako, then isang araw nawala na lang siyang bigla. may mga pagkakamali’t pagkukulang din naman ako. masyado akong naging kampante na di siya mawawala na tutuparin niya yung pangako niya. :(


  2. aww.. sakit naman nyan :( .. bakit inde ka na lang magmove-on? lam ko mahirap, pero it’s better than waiting for nothing .. parang andali gawin noh hehe .. kaya mo yan, akil :D isipin mo na lang, malas sya at pinakawalan ka nya, naks hehe

    akil: sa tingin mo ba di ko sinusubukan magmove-on? sawa na nga mga kaibigan ko sa kakasabi sa akin na magmove-on na lang ako, pero paano? ang hirap, napakahirap. ang hiling ko lang naman, pag-uwe ko magawa niyang makipagkita at makipag-usap sa akin, after nun, bahala na. :)


  3. ayyy…nakakalungkot naman :( minsan naniwala din ako sa isang pangako pero diko inaasahan, nasira at nakalimutan nya ang kanyang ipinangaKo…Diko pinilit ang sarili ko bumangon hanggang isang umaga nagising nalang ako nakalimutan ko na din sya, wala na ang sakit at matapang na ulit akong humarap sa panibagong hamon.

    Kaya alam kong magagawa mo din yan, makaka move on ka ulit, wag mo pilitin, sumabay ka lang sa aGos ng buhay..

    Pag gising mo isang umaga kaya mo na :)
    Good luck :)

    akil: tatandaan ko lahat ng sinabi mo. sana nga, makaya ko na. maraming salamat!


  4. awww… i feel u, man! prang kelan ko lang narinig yan…

    sabi nga nila, as God supernaturally opens the door, sometimes God supernaturally closes the door. And when He closes the door it is because He has something better in store!

    i keep pressing forward!

    hope u’ll feel better soon!

    akil: sana nga. sana nga. salamat sa pagbisita!


  5. anu ka be! ok lng mging baduy!!! wow natouch ako dun… wag kng mxadong mgalit… god has a purpose naman… wait mo na lng un..

    akil: actually di ako naiinis sa pagiging baduy ko. naiinis ako sa sarili ko, kasi wala akong magawa sa ngayon. nakaka-frustrate, sobra!


  6. hi akil,
    i answered your question na… and may tanong rin ako sayo dun. thanks sa comment! can i add u up sa link ko?

    akil: i’ll link you up too. thanks! :)


  7. Ang pinaka ayaw ko yung pinangangakuan ako, masakit kasi talaga kapag nabali ang pangakong yun! Hug na lang kita, sana maging okay kana soon.

    akil: uhhmm… sana nga. pero sa totoo, hanggang ngayon, naasa pa rin ako. ewan ko kung bakit. :(


  8. parekoi…masakit nga yan.Cge lng, let time heal what is broken..pag di na-heal…ano ngayon?! ang importante buhay ka…di bale nang parang patay ang puso…may bubuhay din jan…kung ang puso ng saging ay nabubuhay, puso pa kaya ng tao….

    kaya mo yan..kahit mahirap, i-enjoy mo lng ang sakit..

    akil: panu kaya yun???



Mag-iwan ng Puna