h1

Maligayang Kaarawan!

Enero 16, 2008

Di ko namalayan, isang taon na naman pala ang lumipas. Kaarawan ko pala ngayon! Haha! Taragis! Parang tumatanda ako ng walang pinagkakatandaan! Ewan ko. Parang hanggang ngayon di pa rin ako natuto sa mga kabalastugan ko. Di ko alam. Minsan tinatanong ko sarili ko kung naggu-grow ba ako as a person. Parang hindi. Siguro ang pinakamaganda ko lang natutunan nitong nakaraang taon ay kung paano tumanggap ng pagkakamali, bukod dun wala na ata. May mga bagay pa rin na paulet-ulet ko pa rin ginagawa kahit na alam kong walang magandang idudulot na maganda. Siguro masyadong nakakabato ang buhay para sa akin pag walang problemang dapat lusutan. Ewan. Isa ang sigurado ako, gusto kong maging maayos ang buhay ko(sino bang hindi?), gusto kong maging masaya. Baduy man pakinggan, gusto kong maging masaya kasama ang babaeng pinakamamahal ko. Sana mangyari pa yun. Sana lang talaga. Sana!

*Birthday Gift 

Bago ako umalis kanina para bumili ng pang-regalo sa sarili ko, binuksan ako ang aking friendster acccount. Gaya ng inaasahan may mga comments na Happy Birthday(pinag-iisipan ko pa kung dapat ko bang i-approve) at may mga messages na binabati din ako ng Happy Birthday, at syempre nag-reply ako ng pasasalamat dun sa mga nag-message sa akin. Nag-browse ako ng kaunti, sinilip mga bagong larawan mga tropa ko sa Pinas, bagong lovelife, bagong shout-out, hanggang napunta ako sa friendster ng babaeng minamahal ko. At yun nga, ang pinakamaganda kong regalo:

Friendster -Angel

 

Syempre, napa-ngiti agad ako! Single na siya? Talaga? Parang ilang linggo lang nakaraan, In a Relationship ang status niya, tapos ngayon, Single na? “Happy Birthday Akil! Anak ka talaga ng Diyos, kahit walanghiya ka, tinugon niya ang panalangin mo! Haha! Kailangan kong tumawag sa ilang kaibigan para magtanong kung wala na ba talaga sila ng boyfriend niya. Sana wala na talaga sila. Oo, yan ang panalangin ko gabi-gabi! :)
‘Yun. Maligayang kaarawan na lang ulet sa akin! Basta! ‘Yun na ‘yun!

11 mga puna

  1. Happy Birthday sayo! Maganda nga yang regalo mo.. :) wish ko para sayo makuha mo na yung babaeng minamahal mo.. :D

    akil: haha! may natanggap akong email. di ko na-aabsorb! ewan ko, mukhang malabo na ata. di ko alam! salamat pa rin!


  2. belated happy birthday!

    akil: salamat, maraming salamat!


  3. hapi bertdey ! salamat sa friendster at sa status at nabuo ang saya ng bday mo :D

    akil: salamat po. salamat ng marami. :)


  4. haberdey mo pala, di ka man lang nagpasabi, magpapaparteeh sana kami lolz.. happy birthday akil!! :) .. honga, lab ka talaga ni lord :)

    akil: ako din eh, di ko alam, bday ko na pala! haha! love ako ni lord? sana nga…. salamat! :)


  5. Happy Birthday! Masaya talaga ang gip na yan ah, sana nga totoo yung status niya. God bless!

    akil: naka-chat ko ang isang common friend namin, nagkabalikan na “daw” sila ulet ng bf niya! :( anyway, salamat sa pagbati! :)


  6. akil, bilib ako sa iyong pagsusulat at paghanga sa babaeng yan. (take note, love mo siya, diba?)

    update: NAGKABALIKAN!? punyeta! hindi maari yan! wala ka bang counter-plan sa nangyari? baka matulungan ka namin, sabihin mo lang.

    akil: ewan ko. di ko pa sigurado. ang hirap gumawa ng plano pag malayo ka sa isang tao, tignan ko magagawa ko pag-uwe ko ng Pinas. Salamat pare!


  7. Belated po!
    Ahem, lablayf. Hirap nyan. :lol:


  8. awoi!!! belated hapi bertday sayow!!!

    xiao!

    akil: salamat ng marami! :)


  9. belated happy happy birthday! more blessings for you!

    akil: salamat! :)


  10. akil: ewan ko. di ko pa sigurado. ang hirap gumawa ng plano pag malayo ka sa isang tao, tignan ko magagawa ko pag-uwe ko ng Pinas. Salamat pare!

    - sige, saka na lang natin pagusapan yan pag nasa pinas ka na. ^^

    akil: balitaan kita kung ano man ang mangyayari! :)


  11. belated happy bday po :)

    akil: belated thank you din po! ;)



Mag-iwan ng Puna