h1

Araw Ni Bush

Enero 14, 2008

Bush w/ Emirate Children

Walang pasok! Yey! May bisita kasi ang gobyerno ng Dubai, si Presidente Bush ng bansang Amerika. Ewan ko ba. Para lang sa ilang oras na state visit ni Bush dito, kailangan pang isarado lahat ng pangunahing lansangan dito. Baka natatakot ang gobyerno dito na pag may nagtangka sa buhay ni Presidente Bush ay giyerahin sila ng Amerika hanggang sa mabura sa mapa ang U.A.E. Saka ganun ata talaga pag Presidente ka ng pinaka-makapangyarihang bansa sa buong mundo, may espesyal na pagtanggap sa’yo.  May isang tanong lang sa isip ko, paano mo masisikmura pakiharapan o pakitunguhan ang isang taong  pumatay sa mga kalahi mo? Sa mga pinuno ng mga bansang nasa Gitnang Silangan, paano nila nagawang pakitunguhan at tanggapin ang isang taong  nagdulot ng sobrang kaguluhan at kumitil ng libu-libong buhay ng mga kapwa nila Muslim? Nagtataka lang ako.

Sa kabilang banda, walang pasok, makakapagpahinga rin ng isang buong araw!

6 mga puna

  1. sana kami din walang pasok ahehe

    akil: honga eh! minsan lang ‘to! :p


  2. At least kahit papaano, nakapagpahinga ka. There is a positive to each negative situation. ipasaDiyos na lang natin ang kapalaran niya.

    akil: oo naman. salamat!


  3. Siguro nakikipagplastikan na lang sila kay Bush. tsk! hayaan mo na sila at least bakasyon ka. hehe!

    akil: bakasyon? isang araw? kunsabagay, kaysa wala. Hehe! :)


  4. wow buti ka pa… uy salamat sa pagbisita ah.. sana ako rin..

    akil: maraming salamat din. sa uulitin. :)


  5. ganun daw tlga ang buhay, parang lyf :D kaya cge, i welcome si fafa Bush :D


  6. at todo ngiti ang mga kids.. heheh



Mag-iwan ng Puna